Kung matatandaan noong ika-15 ng Oktubre, nagsimula ang gawain ng Katutubo Exchange Philippines sa Lungsod ng Malolos bilang bahagi ng pagdiriwang ng Philippine Indigenous Peoples Month katuwang ang Malolos City Tourism Office.
Layunin ng isinagawang ‘’outreach’’ ang pagbibigay kamalayan sa kultura ng iba’t ibang mga tribo dito sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman sa kanilang sayaw, kasuotan at lengguahe na bahagi ng kanilang identidad sa mga piling “malls” at paaralan dito sa Lungsod.
Malugod din ang naging pagtanggap ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad sa mga delegado, na kilala rin sa kaniyang pagpapahalaga sa kultura at kasaysayan ng ating bansa.