Ginanap sa New City Hall Auditorium ang nasabing council meeting na pinangasiwaan ni Representative, Chairman LIAC at City Administrator Joel Eugenio at Head ng Liac Secretariat Engr.Eugene N. Cruz. dinaluhan ng mga myembro nito.

Kung matatandaan, ang LIAC ay ekslusibong binuo upang talakayin ang pagtatayo ng North South Commuter Railways Extension Project (NSCR-Ex) kahabaan ng McArthur Hiway at ang relokasyon ng mga Malolenong maapektuhan nito.

Sa kasalukuyan ay mayroong nadagdag na 20 benepisyaryo para sa pabahay mula sa National Housing Authority (NHA) at sa Pamahalaang Lungsod ng Malolos.

Kabilang sa mga tinalakay ay ang mga nagawa at gagawin pang resolusyon na makatutulong sa ikaaayos ng relokasyon ng mga apektadong Malolenyo.

Dumalo rin sa nasabing pulong si Business Permit and Licensing Division Head Atty. Aida Bernardino