Ang pamamahagi ng TUPAD pay-out ay ginanap sa harap ng New Cityhall Building nitong ika-1 ng Disyembre 2022.

Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pamamagitan ng City Training and Cooperative Office (CTECO), Department of Labor and Employment (DOLE) at ng tanggapan ni Sen. Joel Villanueva, tumanggap ng halagang Php 4,500 ang 387 Tupad beneficiares bilang sweldo sa 10 araw na pagtulong ng mga ito sa paglilinis ng kapaligiran sa Lungsod ng Malolos.

Ang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay para sa Displaced/Disadvantaged workers ay isang programa ng National Government na may layuning magbigay ng pansamantalang trabaho sa mga taong lubhang naapektuhan ng kasalukuyang pandemya. Ilan sa mga nabigyang tulong ng programang ito ay ang mga jeepney at tricycle drivers, mga vendors, mga carinderia owners at maging ang ilang mga senior citizens na may kakayahan pang magtrabaho.

Nagsidalo rin sa naturang programa sina Konsehal Nino Bautista, Christ Sarmiento mula sa opisina ni Sen. Joel Villanueva, CTECO OIC Inh. Rey Garcia, CTECO Employment Division Head Marrianne Mendoza at ilang mga kawani ng CTECO.