Isinagawa ang ikalawang batch ng Baran-GAY-nihan sa Barangay Catmon ,kung saan patuloy na nagtalakay ang Usbong Bulacan Inc. ukol sa HIV at AIDS awareness at ng free medical at dental check up/consultation, free HIV/AIDS testing and counseling. Habang nagbahagi naman ang City Training, Employment and Cooperative Office (CTECO), ng livelihood training sa pamamagitan ng pag gawa ng mga pabango. Katuwang sa nasabing programa ang City Health Office (CHO), PNP Malolos at ang Sangguniang Barangay ng Catmon

Samantala, inaasahang magpapatuloy ito sa darating na ika-25 sa Barangay Matimbo habang ang closing ceremony ay gaganapin sa Regional Evacuation Center sa ika-26 ng Hunyo.