
Muling isinagawa ang “Let’s Be Healthy Together,” isang medical mission program mula sa patnubay ni Punong Lungsod Abdgo. Christian D. Natividad na kasalukuyang pinangangasiwaan ni Hon. John Vincent “JV” Vitug III kaagapay ang Sangguniang Barangay at Kabataan ng Look 1st.
Nilalayon nito na mas palawagin at paigtingin pa ang pagbibigay ng libreng serbisyong medikal sa mga barangay sa lungsod ng Malolos.
Ilan sa mga benepisyong hatid ng programa na ginanap sa Camella Homes Clubhouse ay ang libreng laboratory and diagnostic test para sa hemoglobin, uric acid, total cholesterol, fasting blood sugar (FBS), 12-L ECG, pagbibigay ng konsultasyon at mga gamot.
Nauna nang nabigyan ng libreng serbisyong medikal ang barangay San Pablo, Catmon, Bungahan, Sumapang Bata, Barihan, Santor, Sta. Isabel, Dakila at Cofrodia. Samantala, may libreng tuli namang hatid sa Brgy. Pamarawan.
Samantala, dumalo at nagbigay ng suporta sina Konsehal JV Vitug, OPSCA President Ptr. Joey Umali, Punong Barangay Colbert R. Oczon, at Sangguniang Kabataan ng Look 1st.