Isinigawa sa unang pagkakataon sa New Cityhall Building Lobby ang isang pagsasanay na nakatuon sa mas epektibo at komprehensibong pagpapairal ng seguridad sa mga pampublikong lugar, particular ang mga tanggapan at establisvemento ng pamahalaan.

Mula sa pangunguna ng Bulacan PNP Explosive Ordinance Disposal and Canine Group, ang pagsasanay na tinawag na A.B.K.D. o Awareness of Bomb that Kills and Destroy Properties ay may hangaring na palakasin at paglawigin ang kakayahan ng ating mga building security sa tamang pagtugon sa iba’t-ibang banta sa seguidad at kapayapan. Lavunin din ng pagsasanay na ito ang maihanda ang ating mga kasama sa paglilingkuran sa pagharap sa mga insidenteng nangangailangan ng eksperto, mayos at mahinahong pagtugon.

Dinaluhan ng lahat ng building security personnel ang naturang pagsasanay samantalang pinangasiwan naman ito ng mga kinatawan ng Bulacan PNP Explosive Ordinance Disposal and Canine Group na sina PSMS Wilson C. Cagado, PMSG Roderick B. Nigos, PMSG Emmanuel S. Castro, PSSG Cris Dave C. Dumayag at PCPL Mark Niño P. Dela Cruz