Kaalinsabay ng Lingguhang pagtataas ng Watawat ay iginawad ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pamumuno ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D Natividad ang lupa sa Barangay Sumapang Matanda na may sukat na (1000sqm.) na siyang pagtatayuan ng Barangay Hall, RHU, at Multipurpose Hall, Barangay Bungahan (1995sqm.) na pagtatayuan ng Barangay Hall, Multipurpose Hall at Basketball Covered Court, Barangay Sto Cristo (500sqm.) at adisyunal na (800sqm.) donasyon mula sa pamilya ni Mr. William Dela Cruz.) na siyang pagtatayuan ng Barangay Hall at Multipurpose Hall at sa Barangay Panasahan (323sqm.) na pagtatayuan ng Multipurpose Hall.
Kasabay din nito ang paggagawad ng Livelihood Assistance sa dalawampung indigent Malolenyos, kung saan sila’y nakatanggap ng Sewing Machine na magagamit sa panghanapbuhay.
Isang Hand Tractor din ang naipagkaloob sa tatlong magsasaka mula sa Brgy. Barihan.
Dumalo at nakiisa sina Konsehal Abgdo. Niño Carlo C. Bautista, City Agriculturist Dr. Romeo S. Bartolo Ph.D., L.Agr., at Abgdo. Darwin Clemente.