
Isinagawa ng miyembro ng mga tiga DILG, Kapitan at ilang miyembrong opisyal ng mga barangay (Atlag, Sto Rosario, San Vicente, at Mabolo), ang isang malawakang operasyon sa paglilinis ng mga kalsada sa ilang barangay sa Lungsod ng Malolos Bulacan nitong ika – 25 ng Marso taong 2025.
Daan-daang metro ng kalsada sa bawat purok ng mga barangay sa Lungsod ng Malolos ang nalinis, inaalis ang mga basura at mga nakaharang na bagay upang mapabuti ang daloy ng trapiko, at mas maging ligtas ang mga taong naglalakad sa sidewalk. Layunin din nito na mapanatili ang disiplina at responsibiladad ng bawat mamamayan.
Ito ay isang quarterly validation o assessment alinsunod sa Implementing Rules and Regulation na ibinaba ng DILG hinggil sa BaRCO.

Kung matatandaan, may ilang lugar na sa lungsod ng Malolos ang nagawaran bilang “Top Performing Barangay” ng DILG gaya ng Sumapang Matanda, Mambog, Caingin, Mabolo at Cofradia.
Inaasahan pa na magpapatuloy sa mga susunod na araw ang Road Clearing Operation sa mga piling barangay sa Lungsod ng Malolos Bulacan, upang mas mapanatili ang kalinisan at kaligtasan ng bawat mamamayan sa Lungsod ng Malolos.