Mula sa pakikipagtulungan Pamahalaang Lungsod ng Malolos – City Health Office, Department of Health at Department of Education, matagumpay na sinimulan ang Bakuna Eskwela sa mga mag-aaral ng CMIS Sto Rosario.
Layunin ng Bakuna Eskwela na makapagbigay ng libreng ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ-๐๐๐ฌ๐๐ ๐๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ณ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง sa lahat ng pampublikong paaralan simula ngayong Oktubre upang mas mapalakas ang proteksyon ng mga kabataan (school-aged children) laban sa mga Vaccine Preventable Diseases gaya ng, Measles, Rubella, Diptheria, at Human Papilloma Virus.
Ang mga benepisyaryo na makakatanggap ng libreng bakuna ay ang mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang 7.
Ayon kay Dra. Corazon I. Flores, MD, MPH, CESO III Director IV Central Luzon Center for Health Development, ang mga Grade 1 at 7 na mga mag-aaral ay makakatanggap ng bakuna na Measles-Rubella (MR) at Tethanus Diptheria habang ang mga babaeng Grade 4 students ay Human Papillomavirus Vaccine (HPV).
Aniya, โHuwag po tayong matakot na magpabakuna.โ
Sa mensahe ni Dr. Abnet Samuel, Consultant mula sa World Health Organization, lubos ang kaniyang pasasalamat sa mga dumalo at mga magulang na hindi natakot mapabakunahan ang kanilang mga anak laban sa mga Vaccine Preventable Diseases.
Tinalakay naman nina Ireen R. Mendoza-Jimeneze, MD, FPPS, Medical Officer III at Ana Peralta, MD, FPOGS, Obstetrics and Gynecologist Specialist ang mga pangunahing kaalaman ukol sa HPV, Measles, Rubella, at Diptheria.
Sa pagtatapos ng programa ay nagsagawa ng ceremonial vaccination sa mga mag-aaral ng CMIS-Sto Rosario.
Dumalo at nakiisa si Pangalawang Punong Lungsod Miguel Alberto T. Bautista.