Kilala ang Barangay Matimbo sa pag-gawa at pananahi ng iba’t-ibang klase ng bag. Bukod dito, may iba’t ibang negosyo pa rin na umiiral sa lugar. Marami pa ring mga bukirin dito hanggang sa kasalukuyan . Ito rin ang lugar kung saan isinilang ang bayaning si Hen. Isidoro Torres. May bilang na populasyon na 8,200 sa may 3, 744 kabahayan. Ang Matimbo ay may lawak ng kalupaan na 844 ektarya.