Ang Barangay Sumapang Bata ay patag at may malalawak na bukirin. Ang animnapung (60%) porsiyento ng kabuhayan dito ay mula sa pagsasaka at ang natitira ay propesyunal, manggagawa, driver at mga mangangalakal. Mayroong 593 pamilya at may populasyon na binubuo ng 2281 katao na mapayapang naninirahan mula sa 581 kabahayan. May lawak na 147 ektaryang lupain.