Bumisita sa Lungsod ng Malolos ang Munisipalidad ng San Nicolas At Piddig, sa Lalawigan ng Ilocos Norte, kasama ang mga Liga ng Barangay Secretaries, Treasurers, Brgy. Councilors at Barangay Captains, para makakuha ng karagdagang kaalaman mula sa Barangay Sumapang Matanda, ngayong araw, ika-5 ng Marso, 2025.

Pinamunuan ng Assistant City Administrator at OIC ng Arts Culture and Tourism na si Ms. Gertudes Nicudemus de Castro ang aktibidad na isinagawa ngayon araw.

Ilan sa mga nagsalita ay sina ABC President Konsehal Cesar S. Bartolome, kasunod naman sina at LGOO VI Digna A. Enriquez, ng DILG Malolos, CGLOO, Chief of Staff ng Vice Mayor’s Office, Patrick Dela Cruz, at Arts Culture and Tourism Office Deputy OIC Rommel Santiago.

Kabilang sa mga ibinahagi ang mga best practices tulad ng pagkakaroon ng makabagong kagamitan, mga taong mataas ang antas ng kaalaman sa pagharap sa sakuna, maayos na pamamahala sa yaman ng barangay at pagpapanatili ng kalinisan paligid, gayundin ang maagap na pangangasiwa

sa impormasyon ng mga mamamayan sa barangay.

Kung matandaan, ang Barangay Sumapang Matanda ay nakakuha ng award noong 2024 ng Barangay Seal of Good Local Governance at 2023 SGLGB Passer Award.

Samantala, mula naman sa Tourism Office pinangunahan naman ni Mr. Rolly Marcelino ang Maikling Lakbay Aral.

Layunin nito na mapuntahan ang mga ipinagmamalaking Historical Sites at maipakita ang kayamanan ng kultura ng Lungsod ng Malolos.

Sa huling bahagi ng aktibidad ay nagtungo ang mga bisita sa Barangay Sumapang Matanda upang isagawa ang benchmarking. Sa mensahe ni Kap. Fortunato Ramos ng Sumapang Matanda, bukas ang kanyang barangay na magbahagi ng mga kaalaman sa mga barangay ng hindi lamang sa Lungsod ng Malolos kung hindi sa ibang lugar tulad ng Piddig at San Nicolas ng Ilocos Norte na makakatulong sa mga ito na mas lalo pang mapagyabong at mapaunlad ang kani-kanilang barangay sa pamamagitan ng mahusay at epektibong paglilingkuran.