
Inorganisa ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO katuwang ang City Government of Malolos ang seminar na pinamagatang Training on Re Orientation ng RA 9710 Magna Carta for Women and RA 11313 or Safe Spaces Act (Bawal Bastos Law) kahapon sa Regional Evacuation Center.
Opisyal na binuksan ni CSWDO Department Head Mrs. Lolita SP. Santos, RSW ang nasabing programa.
Sa unang bahagi ng seminar, pinangunahan ni Atty. Russell M. Respicio, OIC Public Attorney III mula sa Public Attorney’s Office, ang talakayan ukol sa kahalagahan ng Safe Spaces Act at mga implikasyon o parusa sa paglabag nito.

Ang Safe Spaces Act ay ipinasa upang tugunan at labanan ang gender-based sexual harassment sa mga pampublikong lugar, mga paaralan, at mga lugar ng trabaho. Ito ay makabuluhang hakbang upang pahalagahan ang pagkakakapantay-pantay at kaligtasan ng lahat ng indibidwal, anuman ang kasarian o oryentasyong sekswal.
Para sa kaniyang closing remarks, isinaad nya na “Everyone deserves a safe space environment— be it in public, in private, at home, in school, and everywhere else.”
Sa huling bahagi naman ng programa, tinalakay ni Gng. Josephine G. Lopez, RSW ang Magna Carta for Women at mariing pinagusapan ang iba’t ibang karapatang mayroon ang mga kababaihan.
Inihayag din sa paksa na ito na ang Magna Carta for Women ay isang batas na naghahangad na isulong ang isang mas patas na lipunan kung saan ang mga kababaihan ay maaaring umunlad at ganap na mag-ambag sa pagsulong ng bansa.
Ang isinagawang seminar ay dinaluhan ng Local Council for the Protection of Children Members (LCPC), Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children Members (LCAT-VAWC), Daycare Workers, at CSWDO Staff.
Ilan din sa mga dumalo ay sina Sds. Leilani Samson Cunanan (School Division Superintendent/Member), Ms. Marianne DC. Mendoza (Peso Manager/Member), Hon. Rian Maclyn L. Dela Cruz (SK Federation President/Member) at iba pang mga kinatawan ng mga opisyal mula sa Local Government Unit ng Malolos.