Pinasinayaan nitong ika-14 ng Setyembre ang bagong gusaling nilipatan ng Food for Hungry Minds sa Purok 5, Brgy.San Pablo.

Sa mensahe ni Chief of Staff Ferdie Durupa, hinikayat niya ang mga guro ng Food for Hungry Minds na ipagpatuloy ang kanilang magandang hangarin na matulungan pa ang mas maraming kabataan.

Ang Food for Hungry Minds ay isang charity na bumubuo ng paaralan para sa mga kabataang mahirap at hindi kayang pag-aralin ng kanilang mga magulang o guardian.

Layunin nang nasabing programa na bigyan ng pagkakataon ang mga mahihirap na kabataan na makapag-aral at itaas ang antas ng kanilang edukasyon sa kabila ng kahirapan.

Bukod sa libreng pag-aaral, libre rin ang pagkain, school service at school supplies ng mga estudyante.

Sa kasalukuyan, mayroong 53 estudyante sa elementarya, 101 na iskolar sa high school at 54 naman sa kolehiyo.

Ayon kay Teacher Ana, Vision Officer ng Food For Hungry Minds, malaki ang kanilang pasasalamat kay Mayor Christian D. Natividad dahil sa patuloy nitong pagsuporta sa kanila mula pa noong 2015.