Sa nasabing pagdinig, nagkaroon ng dayalogo sa pagitan ng mga kapitan at punong guro ng nasabing paaralan kung saan ibinahagi nila ang ilang alalahanin kaugnay sa kaligtasan ng mga estudyante sa pagdaan dito ng mga motorista.

Ang hearing ay sa pangunguna ng Lupon sa Pampublikong Kaayusan, Pag-iwas sa sunog at Kaligtasang Pampubliko sa pamumuno ni Konsehal Emmanuel Sacay.

Dumalo sa nasabing gawain sina Konsehal Dennis San Diego, Konsehal Troi Aldaba III, City Information Officer Regemrei P. Bernardo, at iba pang kinatawan ng local na pamahalaan.