
Sa pangunguna ni City Administrator at Vice Chairperson Joel S. Eugenio, katuwang si Kathrina Pia D. Pedro (CDRRMO Division Head) isinagawa ang pagpupulong ng 2nd Quarter Local Disaster Risk Reduction Management Council Meeting nitong ika-3 ng Hunyo 2025.
Sa panimula ay tinalakay ni Michelle H. Pata Admin Officer II ng CDRRMO sa mga pinuno at kinatawan ng ang sitwasyon ng klima na kasalukuyang nararanasan ng bansa, ayon din sa kanya ay ‘Neutral’ ang ENSO condition (El-Niño Southern Oscillation) ng bansa . Ito ay inaasahang magsisimula sa buwan ng Agosto hanggang Setyembre. Inaasahan din aniya ang pagdating ng higit 11 hanggang 19 na bagyo sa mga nalalabing buwan ng taon.
Naging pangunahing paksa naman ang mga sumusunod na paghahanda para sa pagpasok ng tag-ulan:

• Community Based Flood Mitigation and Management Program (CBFMMP) na naglalayong magbigay impormasyon at babala bago at habang may pagbaha.
• Flood Warning IEC ay ang mga informational signages sa mga kitang lugar.
• Mga kagamitan at sasakyan na maggamit para sa rescue and relief operations
• Sapat na food packs mula sa CSWDO
• Pagpapatuloy ng bukas na komunikasyon sa Meralco, PLDT etc
• Pananatili ng operational CCTVs sa high risk na lugar
• Pagbili ng 2 rescue and relief trucks
Pinahayag naman ni City Administrator Joel Eugenio ang mga on-going at paparating na mga proyekto na isinusulong ng lokal na Pamahalaan upang mas lalong mapa-igting ang kakayanan sa pagresponde sa sakuna at kalamidad. Kabilang na dito ang:
• Centralized Public Address Sysytem para sa epektibo at mabilis na paraan ng pagkalat ng balita ukol sa water levels at kondisyon ng panahon.
• LED Board sa bawat barangay
Ang mga inisyatibong ito ay isang patunay sa adhikain at layunin ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Punong Lungsod Abgdo Christian D Natividad, sa pamamagitan ng City of Malolos DRRMO na panatilihing ligtas ang lahat sa mga papadating na sakuna at kalamidad.