
51 hepe ng mga barangay tanod, nakatanggap ng tig-iisang emergency response kit mula sa Pamahalaang Lungsod ng Malolos.
Ayon sa mensahe ni City Disaster Risk Reduction and Management Officer Butch Caluag, ang pamamahagi na ito ay bahagi ng layunin ng Pamahalaang Lungsod na palakasin ang barangay emergency response team. Aniya, magkakaroon din ng training ang mga tanod kasama ang CDRRMO, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Public Attorney’s Office.
Ang bawat isang emergency response kit ay naglalaman ng:- LED heavy duty rechargeable flashlight- metal baton- jacket with embroidered logo- pepper spray/ tear gas spray- heavy duty megaphone- sling bag with city logo- early warning device (triangle)- logbook- ballpen- white polo shirt- blue polo shirt- hard hat/ safety helmet- blue cap with logo- whistle.
Sa kanyang pananalita, ibinalita naman ni Punong Lungsod Bebong Gatchalian ang patungkol sa ipinapatayong Command Center ng lungsod. Aniya, kasalukuyan nang itinatayo ang anim na transmitter tower sa paligid ng lungsod, gayundin ang paglalagay ng CCTV na may high powered wireless transmitter upang mapaigting ang pagpapanatili ng kaligtasan at kapayaan sa lungsod.
Kasabay nito ay ang pagkilala din sa mga barangay tanod dahil sa kanilang naging bahagi sa pagresponde lalo na noong kasagsagan ng pandemya.
Ang programa ay ginawa nitong ika-23 ng Marso, 2022 at dinaluhan rin nina CINSP Roderick Marquez -BFP Malolos, Plt.Col. Christopher Leano -PNP Malolos, Kon. Niño Bautista, Kon. Ega Domingo, at Kon. Rico Capule.