Idinaos nitong ika-24 ng Oktubre and kauna-unahang Philippine National Chess Championship Grand Finals sa Vista Mall Malolos sa pangunguna ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad kasama ang National Chess Federation of the Philippines, Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission.

Ang naturang torneo ay may 3 dibisyon. National Juniors na may kategoryang panlalaki at pambabae na may edad 13-20 at lalahukan ng 12 chess player bawat kategorya at ang Philippine National Children na isang Open National Grand Finals na may mahigit kumulang 30 chess players na may edad 12 pababa mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Bahagi rin ng Programa nag paggagawad ng “Honorary National Master Title” kay City Administrator Joel S. Eugenio bilang bahagi ng kaniyang kontribusyon at suporta sa promosyon ng chess sa Pilipinas.

Dumalo sa nasabing programa sina NCFP CEO Grandmaster Jayson O. Gonzales, CMO-Sports Division Head, Toti Villanueva at International Arbiter Reden Cruz kasama si “Youngest” Women National Master, Daniela Bianca Cruz.