
Pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pamamagitan ng City Health Office – Nutrition Division sa pamumuno ni Maria Evangeline F. Paguntalan ang kauna-unahang pagpupulong ng mga kasapi ng NAOBA.
Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga sumusunod:
1. Pag-aapruba ng Katitikan ng Nakaraang Pagpupulong ng Asosasyon
2. Pagbuo ng Kapasidad para sa taong 2025
3. Iba pang paksa
Bilang bahagi ng paghahanda ng samahan, iminungkahi ng Pangulo ng Asosasyon na si G. Jeffrey C. Reyes na magpa-accredit muna ang NAOBA sa Pamahalaang Lalawigan ng Bulacan bilang isang Non-Government Organization (NGO), upang sa gayon ay maaari na nilang simulang ang paggawa ng resolusyon ukol sa pagtatalaga at paglilinaw ng kung ano ba ang tungkulin ng isang Mother Leader sa bawat barangay na kanilang nasasakupan.
Aniya, nagkakaroon kasi ng kalituhan sa mga tungkulin ng bawat talagang Mother Leader, dahil masiyadong malawak ang saklaw ng responsibilidad ng mga ito, kagaya ng pagtulong sa pagkuha ng mga blotter records, datos ng bawat sanggol na nakarehistro, at pagbibigay tulong sa mga indibidwal na sumasangguni sa barangay.
Tinalakay din ang pagkakaroon ng Capacity Development sa mga Nutrition Action Officer (NAO), upang mas mahasa ang kakayahan ng mga ito na makapagbigay ng mas episyenteng serbisyo sa mga indibidwal.
Dumalo at nakiisa si Assisstant City Administrator Gertudes N. De Castro.