Nagpamahagi ang City Health Office – Nutrition Division noong ika-30 ng Mayo, 2025 ng mga food items para sa taunang implementasyon ng 90-Day Dietary Supplementation Program (DSP) ng tanggapan. Ang mga food items na ito ay inilaan para sa mga batang nakakaranas ng severe and Moderate Acute malnutrisyon sa Lungsod ng Malolos.

Naging katuwang ng Malolos nutrition committee sa programa ang Congress of Asia republic elites eagles, at Romantic Holdings and Restaurant, mga non-profit organizations na tumulong sa pagbibigay benipisyo kagaya ng tinapay, gulay, bigas at baboy (bacon strips) na katumbas ng tatlong buwan o 90-days na supply.

Ayon kay Nutrition Officer IV Evangeline F. Paguntalan, magkakaroon ng pagmomonitor sa timbang ng mga bata kada linggo. Isa ito sa kanilang hakbang upang mapataas ang timbang ng mga batang kabilang sa 0-5 years old na galing sa ibat-ibang Lungsod ng Malolos.

Ayon kay Thony Dela Peña Arcenal, isa sa mga miyembro ng Congress of Asia Republic Elites Eagles Club, ito ay kanilang pilot project na balak rin nilang ipagpatuloy, hindi lang sa Lungsod ng Malolos kung hindi pati na rin sa ibang bayan.

“pilot project launching – if maganda ung result after 3 months, pagpapatuloy namin pati na rin sa ibang bayan pa” saad ni Arcenal.

Ang Romantic holdings and restaurant ay unang beses rin na nakipagugnayan sa proyekto sa City Health Office ng Malolos. Naka-sentro ang adbokasiya ng kumpanya upang magbigay tulong sa mga batang nangangailangan sa ibat-ibang parte ng Bulacan.

Ang programa ay naging malaking tulong sa mga kagaya ni Anna Guia na may apong kinulang rin sa kanyang timbang.

“oo, malaking tulong sa pagpapalusog na apo ko nagpapasalamat ako sa mayor at sa mga tumulong sa amin” Saad ni Guia.

Ang City Health Office at ang katuwang na non-governmental organization (NGO) ay patuloy na magmominitor sa timbang at kalusugan ng mga bata sa susunod na mga Araw.