Sa pangunguna ng Malolos City Social Welfare and Development Office – Community Affairs Division ay idinaos ang Forum on Disability bilang selebrasyon ng 46th National Disability Rights Week na may temang “Promotion Inclusion: Celebrating Abilities and Advocacy Access.”

Dinaluhan ito ng mga presidente ng Person-with-Disability (PWD) mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod. Nilalayon ng programa na palawakin ang kaalaman ng bawat PWD ukol sa mga karapatan na nararapat nilang matamasa.

Tinalakay ni Business Licensing Officer IV Atty. Aida Bernardino ang Consumer Protection na naglalaman ng mga karapatan ng bawat mamimili.

Nagbigay naman ng ilang impormasyon ukol sa Accessibility of Establishments si City Engineer Engr. Ricasol Milan. Nilalaman nito ang National Disability Act na naglalayong mas maging bukas ang mga establisyemento para sa mga PWDs.

Samantala, ipinaliwanag din ni Rural Health Doctor Dr. Chessa Sta. Maria ang 10 Types of Disability kagaya ng Intellectual Disability, Mental Disability, Psychosocial Disability, Learning Disability, Physical Disability, Cancer Patients, Visual Disability, Rare Disability, Hearing Disability, at Speech and Language Impairment at kung paano makakakuha ng Medical Certificate para sa mga ito.

Narito rin ang ilang mga requirements upang makakuha ng PWD ID: Application Form, Barangay Certificate, Medical Certificate, at magtungo sa CSWD-CAD Office.

Sa kabilang banda, binigyang halaga ni Konsehal Atty. Niño Carlo C. Bautista ang Republic Act. 7277 o Magna Carta for PWD kung saan nakasaad ang ilang basic rights kagaya ng Equal Employment Opportunity, Discounts, at Benepisyo ng mga PWD.

Ayon sa diskusyon ay maaaring ipakita ang ID mula sa munisipyo o barangay, passport ng PWD, at transportation discount fare ID mula sa National Council for the Welfare of Disabled Person (NCWDP) upang makakuha ng mga benepisyo at discount.

Sa kasalukuyan ay mayroong Kautusang Panlungsod Blg. 42-2023 na nagtatakda ng pagbibigay ng limandaang piso (Php 500.00) allowance sa mga pangulo ng Person-with-Disability (PWD) ng bawat barangay at pagsasama nito sa taunang paglalaan ng bawat barangay sa lungsod ng Malolos. Bilang

Tinalakay din ni Atty. Bautista ang Batas Pambansa Blg. 344 o Accessibility Law na naglalaman ng mga basic requirements para sa mga PWD kagaya ng ramps, non-skid flooring, signages, toilet and washroom, and parking area/slot.

Dumalo rin si Kons. Noel Sacay, Social Welfare Officer Jinky Joy Del Rosario, PDAO Officer Henry Bonzon, ilang mga representante mula sa iba’t ibang establisyemento kagaya ng Mercury Drug Store, Bulacan State University, La Consolation University of the Philippines, Centro Escolar University, Robinson’s Place