20 kandidato mula sa iba’t-ibang barangay sa Lungsod ng Malolos ang nagtagisan ng husay at galing sa Talento at Kasuotang Filipino sa ginanap na Hombres Y Mujeres De Malolos 2025. Ang naturang patimpalak ay bahagi ng selebrasyon ng Fiesta Republika 2025
Inaasahang magpapatuloy ang patimpalak na ito sa ika-22 ng Enero 2025 sa Hiyas Grand Pavillion sa Provincial Capitol Compound sa ganap na alas 3 ng hapon kung saan kokoronahan ang Hombres Y Mujeres De Malolos 2025.