
Ginanap sa Liwasang Republika, ang Sibol Lunsod Lunsad ang muling pamumukadkad ng Malikhaing Malolenyo ay mula sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pamamagitan ng Business Permit and Licensing Office , Rotary Club of Malolos Hiyas at Department Of Trade and Industry. Hangad ng programang ito ang makalikha ng mga makabagong disenyo ng mga Barong , Terno Serpentina at Traje de Mestiza mula sa malikhaing pagiisip ng mga Malolenyo na sumailalim sa programang Malikhaing Malolenyo
Tampok sa Sibol Lunsod Lunsad ang mga magagara at iba-ibang disenyo ng Barong, Terno Serpentina at Traje de Mestiza na likha ng mga bagong artisano mula sa ibat ibang barangay sa Lungsod ng Malolos.

Kung matatandaan ang Malikhaing Malolenyo na unang nilunsad noong taong 2023 kung saan napili ang Lungsod ng Malolos na mabigyan ng grant o pondo mula sa Department of Trade and Industry para sa programang Malikhaing Malolenyo. Ito ay nagsimula sa isang pagsasanay na makalikha ng Terno Serpentina at nagpatuloy ngyon naman sa paglikha ng Barong
Ang naturang patimpalak ay may 10 malolenyo bilang kalahok. Sila ay sina:
-Cecilia P Cardenas- Brgy Mojon
-Criztine Dela Cruz – Brgy Mojon
-Anabel E Cariaga- Brgy Look 1st
-Racel Rodriguez – Brgy Bagna
– Remedios M Francisco – Brgy Mojon
-Vivian Valle Bolloso- Brgy Mojon
-Merlina J Rullepa – Brgy Mojon
-Marcelina Bagtas Mercado- Brgy Mojon
– Edel Santiago – Brgy Mojon
-Angelo Abcede – Brgy Bulihan

Dumalo at nagpakita ng suporta sa naturang programa ang ilang mga kaanak ng mga kalahok, mga miyembro ng Rotary Club of Malolos Hiyas, mga modelo sa pangunguna ni Pangalawang Punong Lungsod Miguel Alberto T Bautista,mga konsehal na sina JV Vitug at Troi Aldaba III, Dating konsehal Poncho Arcega, Coach Geli Bulaong, City Health Officer Dr Eric Villano at ilang mga kawani mula sa Pamahalaang Lungsod ng Malolos.
Samantala nagbigay naman ng mensahe ang ilang panauhin na sina Virgilio Valenzuela,
Information Communications Officer at Setti Tanwangco, Assistant Governor mula sa Rotary International District 3770, Elenita R. Ordonio
Provincial Director and Focal Person for Creative Industries mula sa DTI Region III, Dr. Warlito Galita VP for Academic Affairs and Graduate Studies Bulacan State University at Atty. Aida S. Bernardino Project Implementer and Manager BPLO
Nagsilbi naman bilang hurado sina Ahleks Fusilero, Jay Cordero Tillo at Mark Dela Peña. Habang sina Anabel Cariaga (1st), Cecilia Cardenas (2nd) at Criztine Dela Cruz (3rd) ang mga nagsipagwagi sa nasabing patimpalak.
Katuwang sa proyektong ito ang: Rotary Club of Malolos; Rotary Club of Barasoain; Rotary Club of Metropolitan Malolos; Rotary Club of Malolos Liping Hiyas; Rotary Club of Malolos Independencia; Rotary Club of Malolos Congreso; Rotaract Club of Malolos Hiyas Karatig; at Rotaract Club of Malolos Congreso.