
Matagumpay na naisagawa sa Training Center, Sitio Umboy, Brgy. San Agustin ang Baking Competition kung saan ang 20 Bread and Pastry Trainees na sumailalim sa 18 – Day Training ay nagpamalas ng kanilang natutunan sa paggawa ng tinapay.
Ang naging tema sa unang kompetisyon ay paggawa ng “Soft Dinner Rolls” kung saan nagpakitang gilas ang mga Trainees ng kanilang mga natutunan sa paghurno (bake) ng tinapay sa pamamagitan ng paggawa ng mga inobasyon sa paglalagay ng mga palaman gaya ng Coco Jam Yema, Leche Flan, Ube and Cheese, Asado, Chicken, Khaliya Nahal (Cream Cheese at Spinach), Blueberry at marami pang iba.
Nakamit ng ikatlong grupo ang pagkapanalo sa “soft dinner roll” category sa pangunguna ng kanilang lider, Airon John Giron, kasama ang kaniyang mga kagrupo na sina Anblet Dela Cruz, Jennevive Onipa, Kristel April Felipe, at Tricia Riziel Legaspi. Na silang gumawa ng mga foreign-inspired rolls na may temang “rustic” gaya ng Hachemoz Braided Bread, Khaliya Nahal with Spinach at Blueberry Rolls
Ayon kay CTECO Training Division Focal Person Cherry Mendoza, layunin ng kompetisyon na ito na maipakita ng mga Trainees ang kanilang natutunan gayundin ang pagiimplementa ng kanilang mga masisining na isipan at ideya sa paggawa ng mga tinapay at pastelerya (pastry).
“Ang serye ng kompetisyon na ito ay magpapatuloy sa mga susunod na araw kung saan sa bawat parte ay mayroong puntos na makukuha ang bawat grupo na siyang pagbabasehan ng magiging kapeonato mula sa klaster na ito” ani Mendoza.
Dagdag pa niya, para sa mga nais maging bahagi ng programa, maaaring makipag ugnayan at magtungo sa Training Center sa Sitio Umboy, Brgy. San Agustin City of Malolos.
Dumalo at nakiisa si Supervising Information Officer Regemrei P. Bernardo