Ginanap sa Barangay Santisima Trinidad ang buwanang pagpupulong ng 24 na panguluhan ng mga magsasaka mula sa iba’t ibang Barangay sa Lungsod ng Malolos, katuwang si Supervising Agriculturist Rebecca Santos Hernandez, OIC Branch Manager ng NFA Bulacan, Rona Talens at Pangulo ng City Agricultural and Fishery Council (CAFC) Renato Dela Cruz

Napagusapan sa pulong ang kasalukuyang proyekto na “Gulayan sa Barangay-Project Buhay” na ang layunin ay pagyamanin at pagyabungin ang agrikultura sa kanilang mga komunidad.

Tinalakay din ang mga bagong proyekto na inaprubahan ni Mayor Christian Natividad upang bigyan suporta at dagdag tulong ang mga magsasaka ng lungsod ng Malolos.

Ilan sa mga isinusulong na proyekto ang karagdagang dalawang piso sa mga aning palay. Matatandaang noong nakaraang taon ay nagkaroon ng pagbibigay ng karagdagang tatlong piso kada kilo sa tulong ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa mga magsasakang Malolenyo na magbebenta sa NFA.

Nabanggit din sa pagpupulong ang pagbibigay ng alagang baka o kalabaw sa mga magsasaka ng Malolos upang gawing dispersion. Sa kasalukuyan ay wala pang konkretong datos ukol sa bilang ng mga ipapamahaging baka at kalabaw.

Samantala, dumalo rin at nagbigay ng suporta sa mga magsasaka si Congressman Wilbert T. Lee ng Agriculture Partylist.

© 2024 – HARTA138™