
Sa pangunguna ni Sherman Rovillos, City Information and Technology Office Computer Programmer III, isinagawa ang pag-inspeksyon at pag-turn over sa mga barangay officials ng mga naikabit na libreng public wifi sa mga barangay hall sa Lungsod ng Malolos sa ika-21 ng Marso.

Mula sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos at Suniway Group of Companies, nakapagkabit ng tig-isang wifi modem sa 51 na barangay para sa pampublikong kagamitan. Ito ay nagkaroon ng “activation” noong unang linggo ng Marso kung saan ngayon ay may 12 barangay ang may “active” na status ng nasabing wifi.
Layunin ng isinagawang inspeksyon na tiyakin kung ang public Wi-Fi sa bawat barangay ay gumagana na at maaari nang gamitin. Kapag napatunayang operational, ito ay pormal na isinasalin sa pangangasiwa ng mga Punong Barangay.

Sa pitong barangay na sinuri, natukoy na operational at maaari nang gamitin ng publiko ang public Wi-Fi sa mga sumusunod: Brgy. Guinhawa, Brgy. Sumapang Bata, Brgy. Bungahan, at Brgy. Ligas.
Magsasagawa pa ng karagdagang inspeksyon sa iba pang barangay sa mga susunod na araw.