Bilang bahagi ng Iskulimpiks 2025, isinagawa ang Bakbakan ng Kasaysayan (Digital Quiz Bee) kung saan lumahok ang mga estudyante mula sa iba’t-ibang paaralan sa Lungsod ng Malolos para masukat ang kanilang kaalaman ukol sa kasaysayan ng ating bansa.

Ang patimpalak na ito ay may dalawang klase, unang isinagawa ang pangkat ng elementarya kung saan may 7 estudyante na nakilahok. Ang pangalawang pangkat naman ay ang high school o secondary kung saan 15 na mag-aaral naman ang nakipagkumpetensya.

Sa naisagawang paligsahan, ito ay nahati sa tatlong klasipikasyon. Una ang easy round kung saan ang aktibidad ng mga estudyante ay guess the picture para sa pangkat ng elementarya at identification naman para sa high school. Pangalawa naman ang average round na multiple choice naman ang naganap na pagsusulit at buzzer portion naman para sa huling kategorya na difficult.

Pagdating naman sa mga tagasuri ng patimpalak, tumayong hurado sina Alvin T. Mendoza, School Principal III ng Pres. Corazon Cojuangco-Aquino Memorial National High School, Pacencia F. Miranda, Master Teacher II ng Marcelo H. del Pilar National High School, at si Danjo F. Guevarra, PhD., Master Teacher I ng City of Malolos Integrated School Sto. Rosario.

Dumalo din si ALS Focal Person Salvador B. Lozano kung saan siya ay naghayag ng mensahe sa mga mag-aaral ukol sa kanilang pagaaral at kung paano pa mas mapapayabong ang kanilang kaalaman sa kasaysayan ng Republika ng Pilipinas.