Iginawad ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos ang Financial Assistance na nagkakahalagang PHP 800,000 [500,000 mula sa Pamahalaang Lungsod, 200,000 mula kay Congressman Danny A. Domingo, at 100,000 mula kay Pangalawang Punong Lungsod Miguel Alberto T. Bautista] sa Barangay ng Anilao, Longos, Bagna, Mabolo, Niugan at Sumapang Bata for the purchase of Garbage Truck for the Operation of Barangay Material Recovery Facility.
Iginawad din ang bagong Moto Medic sa top 3 barangay na nagwagi sa nakaraang 2024 Agila Rescuelympics; Barangay Sumapang Matanda, Barangay Bulihan at Barangay ng Bagong Bayan.
Ayon kay LDRRMO IV Kathrina Pia Pedro, layunin ng pagkakaroon ng Moto Medic na mas mapalakas at mapabilis ang pagresponde ng mga Barangay Emergency Rescue Team sa mga Malolenyong nangangailangan ng tulong.
Makakatanggap din ang DepEd Malolos ng Fire Extinguisher mula sa Pamahalaang Lungsod ng Malolos na siyang ilalagay sa mga Public Schools sa Lungsod.
Mga High Risk sa pagbaha na mga Barangay, nakatanggap ng Rescue Boat mula sa Lungsod ng Malolos; ang mga barangay ay ang mga sumusunod: Barangay Atlag, Bulihan, Caingin, Caniogan, Catmon, Liang, Longos, Mojon, Panasahan, San Juan, San Vicente, Sto. Cristo, Sto. Rosario, at Sumapang Matanda, gayundin ang Civil Service Organization na United Kabalikat Civicom
Dumalo at nakiisa sina Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad, Konsehal Abgdo. Niño Carlo C. Bautista, Konsehal Ega Domingo, Konsehal Ninong Michael Aquino at City Adminstrator Joel S. Eugenio