
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Fiesta ng Republica 2025 sa Lungsod ng Malolos, sa pangunguna ng Central Luzon Tour Guides’ Association (CLTGA) katuwang ang Department of Tourism (DOT) katuwang ang Tourism Division ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos, ay naging makabuluhan ang unang araw ng summit nitong ika – 21 ng Enero, 2025.
Dinaluhan ito ng mga mag-aaral mula sa School of Tourism, Hospitality and Management, National University of Baliuag, Richwell Colleges, Inc. at Accredited Tour Guides sa buong Central Luzon.
Ang CLTGA na pinamumunuan ni Angelo Paolo O. Chico katuwang ang DOT ay nagsasagawa ng mga gawaing katulad nito para sa mga Accredited Tour Guides at mga mag aaral sa buong rehiyon upang magbahagi ng bagong kasanayan na magagamit sa pagsulong ng turismo at kultura sa buong Central Luzon.
Sa unang bahagi, tinalakay ni G. Bruno Tiotuico, isang batikang photographer, ang mga pangunahing aspeto ng potograpiya. Ipinaliwanag niya ang ilang teknikal na aspeto nito katulad ng paano kontrolin ang eksposyur ng litrato gamit ang “๐ฌ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐” – ๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ; mga sitwasyon kung saan ginagamit ang mabagal at mabilis na ๐ด๐ฉ๐ถ๐ต๐ต๐ฆ๐ณ ๐ด๐ฑ๐ฆ๐ฆ๐ฅ, maging ang konsepto ng ๐ฅ๐ฆ๐ฑ๐ต๐ฉ ๐ฐ๐ง ๐ง๐ช๐ฆ๐ญ๐ฅ na nakakapagbigay ng magandang ๐๐ฐ๐๐ถ๐ at ๐ฃ๐๐ค๐๐จ๐๐ฐ๐ข๐ฏ๐ sa mga larawan.
Ayon sa kaniya, pantay na mahalaga ang kasanayan at kagamitan sa potograpiya. Aniya, kahit gaano kaganda ang camera, hindi magagamit nang buo ang potensyal nito kung kulang ang kasanayan ng isang litratista.
Sa m๐b๐l๐ ๐h๐t๐g๐a๐h๐ฆ naman, nagbigay siya ng mga praktikal na tips tulad ng pag-iwas sa ๐ฅ๐๐จ๐๐ต๐๐ญ ๐ป๐๐ฐ๐, paggamit ng ๐ฆ๐๐ช๐ก๐ช๐๐จ ๐ด๐๐ง๐ก๐ธ๐๐ณ๐, at pagkuha ng maraming larawan para sa mas magandang resulta. Ipinaliwanag din niya ang mga pangunahing prinsipyo ng composition tulad ng ๐ ๐ถ๐๐ฆ ๐ฐ๐ ๐๐ฉ๐๐ณ๐๐ด, ๐๐บ๐๐ฎ๐๐ต๐๐บ, ๐๐ต ๐๐๐ข๐๐ช๐๐จ ๐๐๐ฏ๐๐ด.
Sa ikalawang bahagi ng pagsasanay, naging tagapagsalita naman si Regional Director Richard Daenos ng Department of Tourism – Central Luzon. Tinalakay niya ang “๐ฌ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐๐๐ ๐ป๐๐๐ ๐ฎ๐๐๐ ๐๐๐” na nagbigay-diin sa lokal na ๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐ para sa ๐๐ข๐๐๐๐๐๐ฆ ๐ก๐๐ข๐๐๐ ๐.
Sinimulan niya ang kanyang talakayan sa pagpapamalas ng showmanship at pagkamalikhain sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga mag-aaral at tour guides tungkol sa konsepto ng puto at pagkakaibigan upang pukawin ang kanilang malikhaing pag-iisip.

โGumawa ng bago. Iyan ang kahulugan ng creative tour guiding,โ ani Daenos. Dagdag pa niya, โGamitin ang pag-iisip na may sensibilidad at tamang atakeโ.
Ipinaliwanag din ni Daenos ang pagkakaiba ng tradisyunal na tour guiding at ang mas makabago, mas malikhaing paraan nito. Inilahad niya ang konsepto ng Bloomโs Taxonomy, kung saan ang pagkamalikhain ay itinuturing na pinakamataas na antas ng kakayahang mag-isip.
Hinikayat niya ang mga dumalo na gawing makabuluhan ang kanilang mga salaysay sa pamamagitan ng pagsasanib ng kultura, pagkain, at lokal na kwento upang higit na maakit ang mga turista.
Sa huling bahagi ay nagkaroon ng praktikal na pagsasanay sa video editing na pinangunahan muli ni G. Bruno Tiotuico.

Ang aktibidad ay naging makabuluhan dahil sa kombinasyon ng teorya at praktikal na aplikasyon, na naglalayong palawakin ang kaalaman ng mga dumalo para sa promosyon ng kultura at turismo ng Malolos.
Sa pagtatapos ng seminar, nagtungo ang mga mag-aaral at accredited tour guides sa Malolos Banchetto Night Market. Dito, nagkaroon sila ng pagkakataong maranasan at matikman ang iba’t ibang lokal na produkto.
Ilan pa sa mga inaasahang gawain ng CLTGA hanggang ika-23 ng Enero, 2025 ang Palengke Tour, pagbisita sa Kamestisuhan District, malikhaing pag-gabay sa Pagpupuni, panonood ng pelikula patungkol sa Kababaihan ng Malolos, at ang pakikiisa sa paggunita ng Ika- 126 na Anibersaryo ng Unang Republika sa Pilipinas.