Nilagdaan na ngayong araw, ika-2 ng Nobyembre, ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos at ng Santos General Hospital Inc na dinaluhan ni Punong Lungsod Abgdo Cristian D. Natividad at City Legal Officer Atty. Cyrus Paul Valenzuela at Dr. Ernesto B. Santos MHA, Medical Director ng Santos General Hospital Inc.

Ang pagkakaroon ng ganitong pasilidad na matatagpuan sa Regional Evacuation Center ay isa sa mga prayoridad na programang pangkalusugan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos. Malaki ang maitutulong nito upang maibsan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan dahil sa kaakibat nitong libreng dialysis.