
Ang CECU ay isang Operational Support Unit ng Philippine National Police na naglalayon ng epektibong pamamahala sa detection at safe disposal ng explosives, neutralization ng mga mapanganib na kemikal at pangangasiwa sa mga Police Service Dogs.
Ipinangako ni Mayor Natividad na pagkakalooban niya ng maayos na tanggapan, sasakyan at mga kagamitan ang CECU upang suportahan sila sa kanilang gampanin at lalo pang mapalakas ang kanilang kakayanan sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan.
Sa halos 24 na oras pa lamang na paninilbihan bilang Punong Lungsod , pinatunayan ni Mayor Natividad ang pinangakong mabilisang pagtalima sa mga pangangailangan ng mamamayan at pagpapanatili ng kaayusan sa ating nagbabagong panahon.
Ang inagurasyon ay dinaluhan din nina Pangalawang Punong Lungsod Miguel Alberto T. Bautista, PBGen Ritchie Medardo A. Posadas, PMaj Carlo G. Santos – TL, Bulacan PECU, PSSSg Darwin M. Lopez, Atty. Cyrus Paul Valenzuela – City Legal Officer at Ferdie Durupa – Chief of Staff.