
Nagkaroon ng pagpupulong ang bagong CPOC o City Peace and Order Council nitong ika-28 ng Setyembre sa Auditorium ng Malolos City Hall.
Sa naganap na gawain, binigyang diin ang pagpapaigting ng peace and order na naglalayon na mapataas ang antas ng panunungkulan ng mga opisyal at mapababa ang krimen sa Lungsod ng Malolos. Gayundin ang pagkakaroon ng continuity at sustainabilty plan para sa susunod na taon.
Tinalakay din sa pagtitipon ang mga sumusunod na paksa:- Pagtatakda ng regular na pulong ng CPOC.- Pagrereorganisa/pagtatalaga ng mga myembro ng CPOC Secretariat- Resulta sa nakaraang CPOC Performance- Updates sa Peace and Order Situation- Pag-issue ng Security Clearance ng PNP para sa tatlong bagong CPOC CSO Members- Resolution adopting and endorsing the City of Malolos Peace and Order and Public Safety (POPS) Plan and Budget for 2023-2025.
Dinaluhan ang naturang pagtitipon ng mga kinatawan ng bawat barangay, kinatawan ng iba’t ibang sektor ng lipunan at mga miyembro ng CPOC sa pangunguna nina Mayor Christian D. Natividad, Vice Mayor Miguel Alberto T. Bautista, Kon.Emmanuel Sacay, Kon. Nino Bautista, ABC President Dionisio Mendoza, City Administrator Joel Eugenio, Presiding Judge ng MCTC Branch 1 Judge Nemencio V. Manlangit, LGOO VI Digna A. Enriquez, PLTCOL Ferdinand D. Germino at iba pa.