
Bilang bahagi ng adhikaing isinusulong ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad na ibaba sa lebel ng barangay ang mga serbisyong hatid ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos, ay ipinagpatuloy ang Level Up Bayanihan, na kung saan Brgy. Bangkal naman ang naging benepisyaryo nito.
Mula sa pangunguna ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad katuwang si Pangalawang Punong Lungsod Miguel Alberto T. Bautista at ilang kasapi ng Sangguniang Panglungsod ng Malolos na sina Konsehal Dennis San Diego, Konsehal Abgdo. Niño Carlo Bautista, Konsehal John Vincent Vitug, Konsehal Michael Aquino, Konsehal Victorino Troi Aldaba III, at ABC President Vicente Cruz ay matagumpay na naisagawa ang pagbababa at pagbibigay tulong ng Pamahalaang Lungsod sa mga Malolenyong taga Bangkal sa pamununo ni Punong Barangay Nam Bulaong.
Kabilang sa mga pangunahing serbisyo na ibinaba sa barangay ang: libreng Medical Consultation, X-Ray, Circumcision(tuli), at mga gamot handog ng City Health Office; libreng dental check up, bunot at pagkakaloob ng 10 pustiso ng Dental Division; Libreng legal consultation mula sa City Legal Office, Seminar sa Meat Processing na siyang pwedeng gamiting sa paggawa ng Siomai at Dumplings; Chair Massage at libreng gupit mula sa City Training, Employment and Cooperative Office; libreng vegetable seed gaya ng Pechay, Saluyot, Ampalaya, Talong, Red hot Chili, at Sitaw ng City Agriculture Office; Pamamahagi ng mga leaflets patungkol sa pangangalaga sa kalikasan at tamang pagtatapon ng basura mula sa City Environment and Natural Resources; Libreng anti-rabies vaccination at pamurga para sa mga alagang aso mula sa City Veterinary Office; Libreng aplikasyon para sa mga nagnanais mag-aral sa ilalim ng Alternative Learning System ng Deped – ALS Malolos; Basic Training ukol sa Disaster Preparedness hatid ng City Disaster and Risk Reduction Management Office; pagbrodkas ng Malolos City Roving Radio Station ng mga kaganapan sa Barangay Bangkal.
Nagkaroon din ng personal na pagbisita sa mga 44 na bedridden, upang bigyan ng tulong pinansyal hatid ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos.
Namahagi rin ng Wheelchair, Body Camera, Oxygen Tank, Reflective Vest, Flashlights, Mountain Bike, Laptop, Printer, Hand Tractor, Tricycle Patrol, Weighing Scale, Radio atbp. Ang Pamahalaang Lungsod sa Barangay Bangkal na siyang gagamitin sa mas progresibo at maayos na serbisyo para sa mga Malolenyong taga Bangkal.
Dumalo at nagpakita ng suporta sa programa sina City Adminstrator Joel Eugenio, Chief of Staff Ferdie Durupa, Executive Assistant Omar Magno, Punong Barangay ng Pinagbakahan Enzo Versoza, Punong Barangay ng Tikay Jawo Hernandez, Punong Barangay ng Bulihan Lito Zuniga, Malolos PNP at mga Kawani at Pinuno ng Departamento at Dibisyon ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos.