Mula sa pakikipagtulungan ng DKT Philippine Foundation at ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pamamagitan ng City Health Office at City Social Welfare and Development Office- Population Division, matagumpay na naisagawa sa Malolos City Sports and Convention Center. Inaasahang aabot sa 35 kababaihan mula sa iba’t-ibang barangay ang makakatanggap ng libreng Ligation.

Ang DKT Philippine Foundation ay isang Non-profit Organizaton na may layuning mabigyan ng karagdagang kaalaman ang mga mamamayan patungkol sa Sexual and Reproductive Health sa papamagitan ng wastong edukasyon. Bukod dito nagbibigay din ang DKT Philippine Foundation ng mga Outreach Programs at mga Medical Training sa mga nangangailangan nito.

Dumating at nagpakita ng suporta ang ang ilang mga kawani ng City Health Office at ng CSWDO- Pop Com Division, kinatawan ng DKT na si Annex Benjie Macadaan Program Manager, Jomo Caluag ng CSWD- Pop Com Division Head at Asst. City Administrator Gertrudes Nicodemus