
Ipinamahagi ang 1st Semester Local Social Pension sa mga senior citizens na edad 80 pataas ngayong araw sa Malolos Sports and Convention Center.
Ayon kay Analiza R. Fuentes, CSWDO staff, ang 1,000 benepisyaryo ay mula sa 51 na barangay ng Lungsod. Sila ay makakatanggap ng 3,000 na pension bawat isa kung saan ito ang kabuoan ng Enero hanggang Hunyo.
Dagdag pa ni Fuentes, ang nasabing Local Social Pension ay mahahati sa dalawang grupo, kung saan 471 benepisyaryo ang tatanggap ng pension sa umaga at 529 naman sa hapon upang maging maayos ang distribusyon ng social pension.
Ang programang ito ay handog ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos, sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) katuwang ang Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA), Federation of Senior Citizen Association of the Philippines (FSCAP), at City Administrator’s Office.
Dumalo rin sa pamamahagi ng Social Pension ang miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Malolos na si Konsehal John Vincent “JV” Vitug at Kons. Noel Sacay.