Kinilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Lungsod ng Malolos , dahil sa mga naging hakbang nito sa pagpapanatili ng magagandang gawain sa fiscal accountability at transparency sa pamamahala.

Ang Good Financial Housekeeping (GFH) ay pagpapatunay ng matapat na paglilingkod ng lokal na pamahalaan, partikular na sa FINANCIAL TRANSPARENCY and ACCOUNTABILITY ayon sa ginawang pagsusuri ng Commission on Audit (COA). Ito rin ang isa sa mga pinagbabasihan upang magawaran ang isang lokal na pamahalaan ng Seal of Good Local Governance para sa taong 2022.

Ito ay bunga ng epektibo at episyenteng paggasta ng pondo ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos upang masiguro na nagagamit ang pondong nakalaan sa mga programa at proyektong para sa ating mga kababayan.

Ang karangalang ito ay dapat na ipagbunyi ng bawat Maloleño, sapagkat patuloy ang adbokasiya ng kasalukuyang administrasyon sa pamumuno ni Punong Lungsod Gilbert T. Gatchalian na maisulong ang kaniyang magandang hangarin para sa ating bayan.