Binigyang pagkilala ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pagkakaloob ng suporta sa Sustainable Mental Health Program for all, sa naganap na Mental Health Awareness Press Conference forum in celebration of World Mental Health Day noong ika-10 ng Oktubre, 2024 sa University of the Philippines, Diliman.
Sa naging pahayag ni LINGAP Philippines Executive Director, Rellyn Nojadera- Luces, M.A, ang Lungsod ng Malolos ang isa sa mga una at tanging LGU sa Region 3 na nakapagpahayag ng positibong tugon at pagsuporta sa kanilang adbokasiya.
Samantala, ibinahagi naman ni Malolos City Information Officer Regemrei P. Bernardo ang mga hakbangin ng lungsod sa pamumuno ni Atty. Christian Natividad Mayor Atty. Christian D. Natividad kaugnay ng Mental Health.
Kabilang na dito ang pinagigting na Information, Education and Communication Campaigns, katuwang ang DepED-Malolos at pagkakaloob ng libreng konsultasyon ng mga RHUs katuwang ang UNILAB.
Ang pagkilala ay patunay ng patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos na maibaba sa komunidad ang mga programa at pangangailangan ng mga Malolenyo, kabilang na ang serbisyo sa mental health.
Tinanggap ni City Information Officer Regemrei P. Bernardo ang plake ng pagkilala sa ngalan ni Punong Lungsod Christian D. Natividad, gayundin ang special award para sa suporta at tulong nito tungo sa sustainable mental health program, kasama ang iba’t-ibang kinatawan ng lungsod na sina: Josielyn Santiago-Representative, City Administrator; CSWDO Head Lolita SP Santos, RSW; PMaj. Ericson S. Miranda-Representative, Chief of Police; Dr. Roy Nelson T. De Roxas-Representative, City Health Officer; at Analiza R. Fuentes, Admin Aide 1 CSWDO.
Iginawad ito ng Rotary Club of Alabang Madrigal Business Park, National Educators Academy of the Philippines (NEAP) of the Department of Education (DepEd), at ng accredited learning service providers na 1986 Summerhouse Publishing, Lingap Philippines, at Unified Filipino Movement for National Transformation.