Patuloy pa rin ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa ilalim ng liderato ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad sa pagpapalakas ng mga programang nakatuon sa paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad at krisis na maaaring maranasan at kasalukuyang nararanasan ng Lungsod.

Ang pagpupulong na ginanap ngayong ika-4 ng Pebrero, 2025 ay pinangunahan ni LDRRMO IV Kathrina Pia D. Pedro kasama ang mga opisyales/kinatawan ng iba’t ibang tanggapan ng Lungsod, at miyembro ng konseho.

Isa sa naging bahagi ng pagpupulong ang GAWAD Kalasag Exit Conference, na kung saan ay nagbigay ng oryentasyon si G. Morris Auxillos ng Office of Civil Defense (Region III) Plans and Programs kaugnay ng mga alituntunin na dapat isaalang-alang ng CDRRMO upang mapanatili ang mataas na rating nito.

Ayon kay Auxillos, bagamat nakakuha na ng ‘’Beyond Compliant’’ rating ang Lungsod ng Malolos sa magkasunod na taon, kailangan pa rin aniya mapanatili, o di kaya mahigitan pa ang kalidad ng kanilang mga serbisyo at pasilidad ayon sa Major Indicator Scoring System na ginagamit sa Gawad Kalasag.

Sa kabilang banda, tinalakay din ang mga sumusunod: 2026 DRRM Annual Investment Plan, Local DRRM Fund utilization, at Climate Outlook.