Muling nagkaloob ng scholarship grants ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa mahigit 4,600 Maloleño para sa ikalawang semestre ng School Year 2023-2024. Isinagawa ang unang araw ng pamamahagi nito ngayong ika-4 ng Hunyo sa Malolos Sports and Convention Center (MSCC).

Ang ilan sa mga scholarship programs ng lungsod ang Anak ng Volunteer Scholarship Program (AVS), Anak ng Barangay Official Scholarship Program (ABOSP), Alalay Paaral sa Kawani at Anak (APKA), Natatanging Mag-aaral na Malolenyo Scholarship Program (NMMSP), Financial Assistance for Senior High School, Vocational Course Scholarship Program (VCSP), at Tulong Pang-edukasyon sa Kabataang Malolenyo (TPKM).

Inaasahang ipagpapatuloy bukas ang pamamahagi ng grant para sa TPKM (M – R) at VCSP grantees sa umaga mula ika-8 ng umaga at para sa APKA, AVSP, ABOSP, at TPKM (S – Z) grantees sa hapon mula ika-12 ng tanghali.

Para sa mga nais mag-apply sa mga nabanggit na scholarship, hintayin ang susunod na anunsyo ng lungsod tungkol sa mga rekwayrments para sa susunod na pasukan

© 2024 – https://157.245.149.186/