Iginawad kay Fausta “Husta” Bernardo Pagtalunan, mula sa Sabitan, Barangay Sto Rosario, Malolos, Bulacan ang Php 100,000 na Centenarian Award noong ika – 3 ng Hunyo 2024.

Ang gantimpalang ito ay personal na iginawad ni Commissioner Reymar Mansilungan mula sa National Commission of Senior Citizen (NCSC) sa pakikipagtulungan ng Chairperson ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) ng Malolos, Bulacan na si G. Angelito Santiago at ni Gng. Lolit Santos, RSW na kasalukuyang Department Head ng MSWDO ng Malolos City gayundin ng Pangulo ng Senior Citizen sa Barangay Sto. Rosario na si Gng. Evelyn Pineda.

Ang Centenarian Award ay isang parangal na ibinibigay sa mga Pilipinong umabot na ng 100 taon gulang. Layunin nitong kilalanin at bigyan ng pagkilala ang mga matatandang mamamayan na umabot ng sentenaryo.

Ipinagdiwang ni Fausta “Husta” Pagtalunan kanyang ika-100 kaarawaan noong ika-8 ng Marso,2024.

Ayon sa kanyang pamilya, Si Gng. Fausta ay may malusog na pangangatawan. Bagamat kailangan nang gabayan at alalayan, ay nagagawa pa rin nitong makatayo, at makalakad.

Siya rin ay walang iniinom na maintenance ngunit siya ay hindi na nakakakita dulot ng katarata noong siya ay 80 taong gulang.

Isa aniya sa naging susi ng kanyang mahabang buhay at malusog na pangangatawan ang pagkain ng gulay at isda, kaysa sa karne.

Sa kasalukuyan ay tuloy-tuloy parin ang pagkakaloob ng National Commission of Senior Citizen (NCSC), katuwang ang Office of the Senior Citizens Affairs, sa pangunguna ni (OSCA) Chairman Angelito Santiago sa mga Maloleño na pasok sa kwalipikasyon ng Centenarian

Award Act of 2016.

© 2024 – LOBBY138™