
Inilunsad nitong ika-8 ng Hunyo mula sa pakikipagtulungan ng City Disaster Risk Reduction & Management Office (CDRRMO) ang aklat sa Paghahanda at Pagtugon sa Sakuna.
Ang LISTO Malolenyo ang kauna-unahang Disaster Preparedness handbook ng CDRRMO.
Ayon kay CDRRMO Division Head Cesar B. Caluag, ang aklat na ito ay naglalayong magbigay ng karagdagang kaalaman at mga kailangang gawin hindi lamang sa panahon ng sakuna, pati na rin bago dumating at matapos ang sakuna.
Dagdag pa ni Caluag, na bagamat naging mahirap ang paggawa ng aklat na ito dahil sa pagkaroon ng pandemya, ay naisakatuparan pa rin ang proyektong ito mula sa pakikipagtulungan ng mga departamentong nagsanib puwersa upang matapos at magamit ang aklat na ito sa lalong madaling panahon.
Isa rin sa mga layunin ng proyekto ang pakikipagugnayan sa Department of Education-Malolos upang magamit ang nasabing learning material sa pagtuturo sa mga kabataan ng kahandaan sa sakuna.
Pinangunahan naman ni Punong Lungsod Gilbert T. Gatchalian ang paggawad ng sertipiko sa mga naging katuwang ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pagsasakatuparan ng proyekto, kabilang ang pangunahing Layout Artist- Don Eduard Santos ng Information Division, at Editor na si Ms.Maureen Paiton ng Bulacan State University.
Nagsidalo rin sa programa sina Ms. Felicisima L. Mungcal ng Provincial Disaster Risk Reduction & Management Office, City Administrator Luisito Zuñiga, Lolit Santos RSW CSWDO Head, BFP-Malolos, Katrina Pia Pedro LDDRMO I, iba pang kawani at bisita ng Pamahalaang Lungsod.