
Ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos ay taus-pusong bumabati sa City Health Office at sa buong Resbakuna Team para sa kanilang pagkahirang bilang Number 1 sa 4th National Vaccination Day City Level at Number 2 sa 4th National Vaccination Day Provincial Level sa isinagawang malawakang pagbabakuna kontra-Covid19 noong Marso 11-12, 2022.
Sa pagpapaliwanag ni Dr. June Baquiran, OIC – City Health Office, sa nabanggit na vaccination days, ang kanilang tanggapan ay may kabuuang bilang na 2030 na target mabakunahan. Nalampasan nila ang nabanggit na target at umabot sa 3410 na indibidwal ang kanilang nabakunahan. Nasungkit nila ang Rank 1 sa NVD4 City Level sa kanilang natamong accomplishment score percentage na 168.02% at Rank 2 sa buong lalawigan ng Bulacan.
Maraming salamat po sa inyong pagsusumikap upang mapanatiling malusog at ligtas ang ating mamamayan