
Matagumpay na nailunsad sa MHPNHS ang Brigada Eskwela 2024. Ito ay mula sa pagtutulungan ng Department of Education at Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pamamagitan ng Malolos City Information Office- Roving Radio Station kasama ang mga guro , estudyante at mga magulang nito. Ang naturang programang na may temang “Bayanihan para sa matatag na paaralan” ay may layuning hikayatin ang mga guro, estudyante at mga magulang na magtulungan na magayos at maglinis ng buong paaralan upang maihanda ito sa nalalapit na pasukan.
Bilang bahagi ng Brigada Eskwela 2024, naatasan ng Department of Education ang MCIO – RRS sa pangunguna ni Regemrei Bernardo na magsagawa ng pagsasanay na magbibigay kaalaman sa mga eatudyante ng MHPNHS kung pano maging Disc Jockey o host ng isang radio program.
Bukod sa naturang pagsasanay, sa MHPNHS umere ang mga regular na program sa umaga ng Roving Radio Station na Good Morning Malolos kung saan nagkaroon ng maiksing panayam sa isa sa mga guro at mga estudyanteng lumahok sa naturang programa.
Inaasahang magpapatuloy mula ika- 22 hanggang sa ika-27 ng Hulyo ang Brigada Eskwela 2024.
Ang Brigada Eskwela ay unang nailunsad noong 2003 bilang bahagi ng Adopt a School Program na kaalinsunod naman ng Republic Act 8525.