
Opisyal nang binuksan ang Malolos City Inter-Barangay Basketball Tournament 2025 sa Malolos Sports and Convention Center nitong ika-31 ng Mayo, 2025.
Binubuo ng 42 na barangay, 124 na koponan, at tatlong dibisyon mula sa iba’t ibang bahagi ng lungsod ng Malolos ang magtatagisan sa gaganapin na paligsahan.
Pinangunahan ng Division Sports Coordinator na si Jose Anthony “Toti” Villanueva ang pagsisimula ng programa at ibinahagi ang maikling kasaysayan ng liga.
“Nagsimula ang tournament na ito noong 2010,” sabi ng Division Sports Official.
Nagsalita rin ang mga panauhing pandangal na sina Gilas Pilipinas Women Player Jack Danielle Animam, at PBA player NLEX Road Warriors na si Dominick Fajardo.
“Mas malaki ang opportunity na maibibigay ng basketball. It’s not just a sport, it’s an experience” ani ni Jack.
Binigyang pagkilala naman ni Fajardo ang ating Punong Lungsod Igg. Christian D. Natividad sa pagkakalunsad ng Mayor’s Cup na nagsimula noong 2010, na patuloy na sumusuporta at nagbibigay pagkakataon sa mga manlalaro upang maipamalas at linangin ang kanilang mga kakayahan.
Sinundan naman magpaunlak ng mensahe ang PBA Player Legend na si Azi Talauva, at pinayuhan ang mga manlalaro.
“Sana hindi lang puro manalo ang isipin niyo, sana makabuo rin kayo ng pagkakaibigan.” dagdag pa niya.
Sa kabilang banda, pormal namang sinalubong ng nasabing programa ang mga manlalaro sa bawat sa barangay at ipinakilala ang kani-kanilang mga muse na magpapasiklaban sa entablado.
Isa-isang rumampa ang mga kalahok ng bawat koponan bitbit ang pangalan ng mga barangay na nirerepresenta nila ngayong taon.
Matapos ang presentasyon ay walang paligoy-ligoy na inanunsyo ang apat na nagwagi bilang MCDN CUP 2025 Best Muse at nakatanggap ng salapi bilang premyo.
Kabilang sa mga nanalo sina Candidate #86 ng Barangay Mojon, #42 ng Barangay Tikay, #8 ng Barangay Bungahan, at #38 ng Barangay Pinagbakahan.
Kasunod ng pagbibigay ng parangal sa mga nanalo ay pormal ng binuksan ang Malolos City Inter-Barangay Basketball Tournament 2025.
Dumalo din sa Gawain sina Kon. Troi Aldaba, Kon. Miel Agustin at Kon. Poncho Arcega.