Kaalinsabay ng pagsasagawa ng ikalawang Flag Ceremony, binigyang parangal ni Mayor Christian D. Natividad ang Nalolos City Police Station na pinangungunahan ni PLTCOL. Ferdinand D. Germino ACOP sa kanilang naging partisipasyon sa pagkakahuli ng suspect sa Princess Dianne Dayor Slay Case.
Kung matatandaan, naging agarang hakbang ni Mayor Agila ang pagissue ng Manhunt Operation noong araw ng mismong pagkawala ng biktima at pagkakaloob ng 300k na pabuya sa taong makapagbibigay ng anumang impormasyon na makakatulong sa agarang pagresolba ng krimeng ito.
Ayon kay Mayor Agila, hindi tumigil ang ugnayan at komyunikasyon ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos at ng Malolos CPS simula pa lamang noong ika-2 ng Hulyo kung saan unang nareport ang pagkawala ng biktima, hanggang sa pagkakahuli ng suspect noong ika-7 ng Hulyo at sa pag-amin nito noong ika-9 ng Hulyo.