Sa isinagawang lingguhang pagtaas ng watawat nitong ika-17 ng Oktubre ay nagsagawa ng demonstrasyon ang Malolos Tactical Motorcyle Rider Unit sa pagresponde sa krimen at paghuli sa mga suspek.
Sa mensahe ni City Vice Mayor Miguel Alberto T. Bautista, hinikayat niya ang bawat kawani ng Pamahalaang Lungsod na magkaroon ng kaparehong pagsusumikap na ipinakita ng ating kapulisan sa paggamit at pagpapalawig sa mga resources na ipinagkaloob ng pamahalaan upang maibigay ang mataas na antas na serbisyo sa mamamayan.
Ipinahayag din niya ang kaniyang pagsuporta, kasama ng Sangguninang Panlungsod ng Malolos sa magandang direksyon ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos, sa pangunguna ni Mayor Christian D. Natividad na maipadama ang malasakit at makabuluhang pamumuhay sa mga Malolenyo.
Binigyang-pagkilala rin sa gawain ang mga karagdagang drug free barangay na Calero, Babatin, Balite, at Mambog. Ito ay pagpapatunay sa isinusulong na adbokasiya ng Pamahalaang Lungsod na kontra-droga.