Idinaos sa Savannah Resort Hotel ang gawain kung saan dinaluhan ito ng iba’t ibang media partners ng PhilHealth sa Region III.

Pinangunahan ng PhilHealth Region III sa pamamagitan ni Regional Vice President, PhilHealth Regional Office III Edgardo F. Faustino ang gawain kung saan nagbahagi sila ng kaalaman tungkol sa Universal Health Care at sa programa ng PhilHealth na Konsulta.

Layunin ng PhilHealth na sa tulong ng media ay makapanghikayat pa ng mga pribadong ospital na mag-apply sa PhilHealth upang maging Konsulta Accredited Facility ito na makatutulong sa pagpapalawak at pagbibigay-serbisyo sa mga may karamdaman.

Ayon kay Rowena Zabat-San Mateo, MD, Branch Manager Branch A, hindi kakayanin ng mga pampublikong ospital na pagserbisyuhan ang mga out-patient na rehistrado sa Konsulta dahil sa kakulangan sa mga doktor kaya kinakailangan ng tulong mula sa mga pribadong ospital at clinic upang makatugon sa pangangailangang medikal ng mamamayan.

Ang Konsulta o Konsultasyong Sulit at Tama ay programa ng PhilHealth ay nagsimula noong 2021 sa Regiom III Layunin nito na bigyan ng libre o discounted na serbisyo ang mga outpatient na walang kakayahang magbayad ng check up at bumili ng gamot.

Ilan sa mga pangunahing libre o discounted na serbisyo at gamot ng Konsulta ay ang mga sumusunod:

Laboratory Tests/Diagnostic Examinations:

CBC with Platelet Count

Urinalysis

Fecalysis

Sputum Microscopy

Fecal Occult Blood

Pap Smear

Lipid Profile (Total Cholesterol, HDL, and LDL Cholesterol, Triglycerides)

Fasting Blood Sugar

Oral Glucose Tolerance Test

ECG

Chest X-ray

Creatinine

HBA 1C Test

Anti-microbial

Amoxicillin

Co-Amoxiclav

Cotrimoxazole

Nitrofurantoin

Ciprofloxacin

Clarithromycin

Fluid and electrolytes-Oral Rehydration Salts

Anti-Asthma

-Prednisone

-Salbutamo

-Fluticasone

– Salmetrol

Anti-dyslipidemia

-Simvastatin

Anti-hypertensive

-Enalapril

-Amlodipine

-Losartan

-Metoprolol

-Hydrochlorothiazide

Antithrombotics

-Aspirin

Antihistamine

-Chlorpheniramine Maleate

sa kasalukuyan, ang Lungsod ng Malolos ay may dalawang Konsulta Accredited Facility, ito ay ang Malolos Rural Health Unit II at V.