Ang 500 benepisyaryo mula sa 51 na barangay ay nagsagawa ng pagtatanim, pag-aalaga, paglilinis at pag-ani sa 3 Communal garden Site na tinawag na Niugan Cluster, Bulihan Cluster at Santisima Trinidad. Ang mga benepisyaryo ay tumanggap ng 420 pesos kada araw o 4,200 sa 10 araw.

Ayon kay Jeffrey Espiritu, DSWD Region III Project Development Officer II, ang programa ay naglalayon na mabawasan ang epekto ng “Climate Change” at matulungan ang mga benepisyaryo na siyang mga magulang ng mga “undernourished” na bata sa Lungsod ng Malolos.

Ayon kay Nutrition Division Head, Maria Evangeline Paguntalan, “Malaking tulong ang programa lalo na sa mga nanay, hindi lang ‘yung mabibigyan ng pera, kung hindi ‘yung tinanim nila ay magagamit sa pang araw-araw na pamumuhay”. Hinihikayat din niya na ipagpatuloy nalang nila at pangalaagaan at panatilihan kung ano man ang nasimulan para makatulong sa bahay.

Ang nasabing programa na “Climate Change Adaptation and Mitigation Through Cash Assistance” ay sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfate and Development Region III sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office, City Social Welfare and Development Office, Division Office of Nutrition at City Agriculture Office.

Dinaluhan din ni CSWDO Department Head, Lolita SP Santos ang nasabing programa.