Sa pagdiriwang ng National Children’s Month na may temang “Break the Prevalence, End the Violence: Protecting Children, Creating Safe Philippines,” matagumpay na isinagawa ang taunang City Children’s Congress nitong ika-20 ng Nobyembre 2024 sa Waltermart, Lungsod ng Malolos, Bulacan.
Pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office sa pamumuno ni Lolita SP. Santos, RSW, ang aktibidad na naglalayong iprayoridad ang kahalagahan ng karapatan at kapakanan ng kabataan.
Nagbigay ng mahalagang mensahe si Konsehala Therese Cheryll “Ayee” Ople tungkol sa mga hamon na kinakaharap ng kabataan sa kasalukuyan, tulad ng maling paggamit ng social media at impluwensya ng masasamang bisyo. Ipinaalala niya sa mga magulang ang kanilang tungkuling alagaan at kausapin ang kanilang mga anak upang maiwasan ang kapabayaan.
Samantala, binigyang diin ni Konsehal JV Vitug na ang kabataan ay magiging tunay na pag-asa ng bayan kung bibigyan ng tamang paggabay mula sa mga guro, magulang, at komunidad. Kanyang inilahad ang kanyang personal na karanasan bilang isang batang sinuportahan ng kanyang pamilya. Dagdag pa rito, ipinahayag niya ang patuloy na pagsulong ng lokal na pamahalaan sa RA 9262 (VAWC) para sa proteksyon ng kababaihan at kabataan laban sa karahasan.
Nagpahayag naman ng kanyang matibay na suporta sa mga kabataan si Barangay Kagawad Miel Agustin ng Look 1st, na nananawagan din sa mga magulang na igalang at ibigay ang karapatan ng mga bata, kabilang na ang edukasyon at kalayaan na maglaro.
Ayon kay Agustin, bilang isang lingkod siya ay laging susuporta sa mga kabataan. Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, iniwan niya ang makahulugang katagang, “Lagi’t lagi para sa Malolenyo,” na nagpakita ng kanyang taos-pusong dedikasyon sa paglilingkod.
Kasunod dito ay isinagawa ang Panatang MakaBATA sa pangunguna ni Konsehal JV Vitug, bilang simbolo ng pangako ng lahat na ipagpatuloy ang pagsusulong ng karapatan at kaligtasan ng kabataan.
Isang highlight ng pagdiriwang ang mga paligsahan sa pagtula, pagkanta, pagguhit, at Zumbaliit, kung saan 58 Day Care Centers ang nakiisa. Pinangunahan ang mga hurado nina Divine Grace T. Cabral, Jeffrey S. Espiritu, Liezlhia Z. Javier, Joe Carlo C. Fernando, Angelo C. Villanueva at Jamaica C. Nicdao.
Sa pagtatapos ng programa, nakiisa si Konsehal Noel Sacay sa paggawad ng Sertipiko ng Pagkilala at cash prize sa mga nagwagi sa iba’t ibang aktibidad. Kasama niya sa seremonya si CSWDO Head Lolita SP. Santos, RSW, at ang mga hurado na nagbigay suporta sa matagumpay na gawain.
Narito ang listahan ng mga nagwagi sa bawat kategorya;
Solo Poem Category
Mira Buenaventura ng Barangay San Vicente
First Place
Gabrielle Francisco ng Barangay Longos
Second Place
Zaine Kyzer Tolentino ng Barangay Sto. Rosario
Third Place
Song Category
Isiah Adriel Surio ng Barangay Dakila
First Place
Marco Guttierez ng Barangay Pinagbakahan
Second Place
Kaizer Blake Mataya ng Barangay Mojon Menzyland
Third Place
Copy and Color Category
Scarlet Senor ng Tawiran Panasahan Day Care Center
First Place
Makaylla Faith Chen ng Barangay Bulihan Bliss
Second Place
Alyanna Kylie M. Acosta ng Barangay Mojon
Third Place
Zumbalilit Category
Barangay Pinagbakahan
First Place
Barangay Dakila
Second Place
Barangay San Agustin
Third Place