Binigyang pagkilala sa ginanap na Division Stakeholders Recognition ng Department of Education ang ilang mga halal na opisyal at ang Malolos City Information Office ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos.
Ginanap sa International Montessori Center, ang Division Stakeholders Recognition na ginaagawa taon-taon ay nagbibigay parangal at pagkilala sa mga tao at grupo na may malaking ambag sa realisasyon ng mga pangunahing programa ng Department of Education.
Taos pusong pasasalamat naman ang pinaabot ni SDS Leilani Cunanan CESO V sa lahat ng mga nagsidalo na aniya ay katuwang at magiging katuwang ng kanyang distrito sa mga proyektong magtataas ng kalidad ng edukasyon sa buong lungsod. Sa kanyang mensahe, inilahad ni SDS Cunanan ang mga accomplishments na kanyang distrito na ayon sa kanya ay nagkamit ng maraming awards sa buong rehiyon. Hangad din aniya na mabigyan ng sapat na lakas at karunungan ang mga kabataan na makilahok sa mga diskusyon na tutukoy sa mga suliranin ng kani-kanilang komunidad at ang mga posibleng solusyon dito.
Ilan sa mga kilalang personalidad na binigyang pagkilala at ng parangal ay sina Coach Geli Bulaong , Konsehal Nino Carlo Bautista, dating Vice Governor Wilhelmino Alvarado, Board Member Allan Andan, 1st District Congressman Danilo Domingo, Vice Governor Alex Castro, Governor Daniel Fernando, Vice Mayor Miguel Alberto T Bautista at Mayor Christian D Natividad.
Binigyan din ng pagkilala ang ilang mga Brgy Officials sa buong lungsod, mga Non-Governmental Organizations at ang Malolos City Information Office.
Dumalo din at nagbigay ng kani-kanilang mensahe ang mga DepEd Officials na sina Senior Education Program Specialist Shiel P Bueneventura RN-MAN MCDRM, Cynthia C. Briones PhD, SGOD Chief ES, Assistant School District Supervisor Fernandina P Otchengco PhD CESO VI at School District Supervisor Leilani Cunanan CESO V